30 kandidatong Senador sisibakin ng Comelec
February 16, 2001 | 12:00am
Sa 68 opisyal na kandidatong senador sa halalan sa Mayo 14, posibleng 30 rito ang madeklarang nuisance candidate at madiskuwalipika dahil sa kawalan umano ng kakayahang suportahan ang kanilang pangangampanya sa buong bansa.
Sinabi kahapon ng director ng law department ng Commission on Elections na si Jose Balbuena na sinisimulan na nilang suriin ang mga kakayahan ng bawat isa sa 68 kandidatong senador para matukoy kung sinu-sino ang makakapangampanya sa 79 na lalawigan, 91 lunsod at 1,519 bayan sa buong bansa.
Maaaring idiskuwalipika ang isang kandidato kung makapanggugulo lang ito o walang interes na humawak ng posisyon sa pampublikong tanggapan. (Ulat ni Jhay Mejias)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended