^

Bansa

‘Erap palayasin’ — Nene

-
Pabor si Senate President Aquilino "Nene" Pimentel Jr. na palayasin sa Pilipinas si dating Pangulong Joseph Estrada para mawala ang pagkalat ng mga bantang kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at magkaroon na ng kaayusan sa bansa at sa pamahalaan.

Sinabi ni Pimentel sa isang panayam na makakabuting hayaang makaalis ng bansa si Estrada at pamilya nito para mabawasan ang problema ng bansa lalo na ng administrasyong Arroyo.

Sinabi niya na, hangga’t narito sa bansa si Estrada, patuloy na mahahati ang bansa dahil sa away ng mga grupong anti at pro-Erap.

Sumuporta sa mungkahi ni Pimentel ang mga senador na sina Juan Flavier, Renato Cayetano at Teofisto Guingona.

Pero sinabi ni Senate minority leader Francisco Tatad na hindi puwedeng diktahan si Estrada sa gusto nitong gawin at isa itong Pilipino na may karapatan din sa ilalim ng Konstitusyon. (Ulat ni Doris Franche)

DORIS FRANCHE

FRANCISCO TATAD

JUAN FLAVIER

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PIMENTEL JR.

RENATO CAYETANO

SENATE PRESIDENT AQUILINO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with