^

Bansa

Baste magpaliwanag sa itinapong basura – DENR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Baste magpaliwanag sa itinapong basura – DENR
Photo shared on social media shows piles of garbage dumped in front of the office of the Department of Environment and Natural Resources in Davao City.

MANILA, Philippines — Pinagpapaliwanag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) si Davao City Mayor Baste Duterte kung bakit nagtapon ng sandamakmak na basura sa harapan ng kanilang opisina sa Davao. Binigyan ang alkalde ng limang araw para magpaliwanag.

Sinasabing inutos ni Mayor Duterte sa kanilang garbage collectors sa Davao na itapon ang basura sa harapan ng DENR-Davao office.

Binigyang diin ng DENR na ilang indibidwal ang nahuli ng kanilang tauhan habang nagtatapon ng basura na itinuro naman ang June 4 Facebook post ni Duterte na nagsasabing ang DENR ang isa sa  waste collection point. 

Noong Mayo, ipinasara ng DENR ang isang landfill doon matapos gumuho ang tambak na basura na ikinamatay ng dalawa katao at isa ang patuloy na nawawala.

Ayon sa DENR, ang basura ay hindi segregated at isa itong paglabag sa Ecological Solid Waste Management Act o RA 9003 at ang sinasabing collection points ay dapat na aprubado ng Solid Waste Management Plan ng lokal na pamahalaan at ng Implementing Rules and Regulations ng batas alinsunod sa RA 9003.

DENR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with