^

Bansa

Panggigipit ng China kay Teodoro binira

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mariing kinondena ng makabayang grupo ang panggigipit ng China kay Defense Secretary Gilbert “Gibo” Teodoro sa tangkang pigilan ang pagtatanggol sa interes ng Pilipinas.

Naniniwala si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia na ang hakbang ng China ay mensahe na itigil ang paglaban sa soberanya ng bansa.

“Ang mga sanksyong ito ay hindi talaga tungkol kay Secretary Teodoro. Isa itong mensaheng ipinadadala sa bawat Pilipinong naniniwalang dapat ipaglaban ang ­ating soberanya, at isa itong mensaheng hindi dapat palampasin o balewalain,” ani Goitia. “Walang bansang tunay na pinahaha­lagahan ang kalayaan nito ang dapat pumayag na takutin ang mga opisyal na ang ­tanging ginagawa ay ipagtanggol ang karapatan ng kanilang bansa. Walang ibang ginawa si Sec. Gibo Teodoro kundi ang matatag na pani­nindigan kung ano ang nararapat sa Pilipinas sa ilalim ng internasyonal na batas. Hindi iyon pang-uudyok. Iyon ay pagmamahal sa bayan,” ani Goitia.

Giit pa niya, ang pagtatanggol ni Teodoro ay sumasalamin sa interes ng maraming Pilipino kaya’t dapat na huwag hayaan ang dayuhang pamahalaan na diktahan ang karapatang teritoryal.

Nagpahayag din ng pagkabahala si Goitia sa mga ulat na nananatili pa rin sa loob ng lagoon ng Bajo de Masinloc ang isang lumulutang na istrakturang Tsino sa kabila ng paulit-ulit na diplomatikong protesta ng Pilipinas. Aniya, hindi dapat ituring ang ­usapin bilang isang maliit o karaniwang pangyayari lamang.

CHINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with