^

Bansa

Jose Mari ‘pitikin’ na lang

-
Binaligtad kahapon ng Ethics Committee ng House of Representatives ang nauna nitong hatol na expulsion o patalsikin sa kongreso si San Juan Rep. Jose Mari Gonzales at ginawa na lang na reprimand, na ibig sabihin, mumurahin na lang o pagsasabihan ang naturang mambabatas.

Dahil dito, nag-walkout sa pulong ang mga oposisyong mambabatas na miyembro ng naturang komite. Sinabi nina Quezon City Rep. Dante Liban at Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo na unethical at hindi tama ang ginawa ng komite kaya dapat itong buwagin.

Nabatid na sa executive meeting ng komite noong Martes, nagkasundo ang mga miyembro nito na parusahan ng expulsion si Gonzales dahil sa pananampal niya kay House Sergeant-at-Arms Bayani Favic kasunod ng pagpapatibay ng noo’y Speaker Manuel Villar sa apat na articles of impeachment laban kay Pangulong Joseph Estrada.

Tumanggi ang komite na ihayag sa mga mamamahayag ang kanilang desisyon dahil kailangan daw muna itong ipaalam kay Speaker Arnulfo Fuentebella.

Kahapon din sana lalagdaan ng lahat ng miyembro ng komite ang report hinggil sa kaso ni Gonzales pero humingi ng rekonsiderasyon si Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon. Dahil dito, nagkaroon ng botohan. Nagtabla sa bilang na anim ang mga pabor at tutol (tatlo ang abstain) kaya nagbigay ng boto ang tagapangulo ng komite na si Lanao del Norte Rep. Alipio Badeles na pumabor sa motion ni Macarambon.

"Maliwanag na nilabag nila yung gentlemen’s agreement namin kahapon na ibigay ang hatol na expulsion kay Gonzales," sabi ni Liban. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ALIPIO BADELES

ARMS BAYANI FAVIC

BENASING MACARAMBON

DAHIL

DANTE LIBAN

ETHICS COMMITTEE

GONZALES

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HOUSE SERGEANT

JOSE MARI GONZALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with