Pagbibitiw ng 2 opisyal minaliit ni Erap
December 30, 2000 | 12:00am
Hindi natinag si Pangulong Joseph Estrada sa biglang pagbibitiw sa tungkulin nina Department of Interior and Local Government Assistant Secretary Alex Padilla at Department of National Defense Assistant Secretary Ruben Carranza.
Sinabi ng Pangulo na maliliit lang ang posisyong iniwan nina Padilla at Carranza kaya wala itong epekto sa pamahalaan.
Naunang napaulat na ipinasya ng dalawang opisyal na kumalas sa administrasyong Estrada kasunod ng pagbubunyag ni Equitable-PCI Bank Senior Vice President Clarissa Ocampo sa impeachment court na si Pangulong Joseph Estrada ang lumagda bilang Jose Velarde sa P500 milyong account sa naturang banko.
Sa Camp Aguinaldo, itinalaga ni Defense Secretary Orlando Mercado si ret. Maj. Gen. Ruben Ciron bilang kapalit ni Carranza. (Ulat nina Ely Saludar at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest