Pangulong Estrada nasa Singapore
November 24, 2000 | 12:00am
Umalis kahapon si Pangulong Joseph Estrada patungo sa Singapore para dumalo sa tatlong araw na pulong ng Association of Southeast Asian Nations.
Sinabi ng Pangulo na mahalaga ang pagdalo niya sa pulong na tatalakay sa mga isyung may kinalaman sa pulitika at ekonomiya.
Isa rin anyang patunay ang paglahok niya sa pulong na patuloy ang takbo ng pamahalaan at aktibidad ng mga mangangalakal sa Pilipinas sa kabila ng ilang suliraning pulitikal dito.
Tatalakayin din ng Pangulo sa pulong ang ibang suliranin sa rehiyon tulad ng AIDS, kahirapan, droga at prostitusyon. (Ulat nina Lilia Tolentino at Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended