Oposisyon binuweltahan sa impeachment vs GMA
November 17, 2000 | 12:00am
Sinabi kahapon ng Malacañang na ang oposisyon ang may pakana umano ng pagsasampa ng impeachment case laban kay Vice President Gloria Macapagal-Arroyo.
Sinabi ni Executive Secretary Ronaldo Zamora na walang alam ang Malacañang sa naturang usapin at hindi ito nakikipag-ugnayan kay Atty. Oliver Lozano na naghain ng naturang kaso sa House of Representatives.
Iginiit ni Zamora na ang kasamahan pa ni Arroyo sa Lakas-NUCD na si Surigao Congressman Prospero Pichay ang nag-endorso sa impeachment complaint.
Kasabay nito, kinumpirma ni House justice committee Chairman Nueva Ecija Rep. Pacifico Fajardo na sisimulan nila sa Lunes ang pagdinig sa impeachment case ni Arroyo.
Sinabi pa ni Fajardo na pag-aaralan niya kung mag-iinhibit siya sa kaso dahil kamag-anak niya si Arroyo pero mananatili siyang tagapangulo ng komite hanggat hindi siya pinapalitan ni Speaker Arnulfo Fuentebella. (Ulat nina Ely Saludar at Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended