Rep. Jose Mari Gonzales igigisa ng Ethics Committee
November 16, 2000 | 12:00am
Nakatakdang humarap sa Ethics Committee ng House of Representatives si San Juan Congressman Jose Mari Gonzales matapos na ihain kahapon ni Akbayan Partylist Rep Loretta Ann Rosales ang isang resolusyong humihiling na imbestigahan ang panununtok ng una kay House Sergeant-at-Arms Bayani Fabic noong Lunes.
Sinabi ni Rosales na hindi dapat palampasin ng bagong liderato ng Kongreso ang inasal ni Gonzales sa mismong plenary session hall ng mababang kapulungan.
Hindi anya sapat ang public apology ni Gonzales at ang paghingi nito ng tawad kay Fabic dahil dinungisan nito ang integridad, karangalan at reputasyon ng buong House of Representatives.
"Si (ret.) Gen. Fabic ay inihalal bilang Sergeant-at-Arms ng buong miyembro ng kapulungan noong Hulyo 1998 at dapat lang na bigyan siya ng respeto ng lahat ng miyembro," katwiran pa ni Rosales. (Ulat ni Marilou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest