Mansion probe tuloy din
November 6, 2000 | 12:00am
Itutuloy pa rin ni Department of Interior and Local Government Secretary Alfredo Lim ang imbestigasyon sa tunay na may-ari ng mga sinasabing mamahaling mansion umano ni Pangulong Joseph Estrada sa ilang eksklusibong subdivision sa Metro Manila.
Sinabi ni Lim sa isang pulong-balitaan sa Manila Yatch Club kahapon ng umaga na hiwalay ang gagawin niyang imbestigasyon sa pagsisiyasat na ginagawa ng Senado.
Sinabi niya na inutos sa kanya ng Pangulo na pangunahan niya ang imbestigasyon para matukoy ang tunay na may-ari ng lima hanggang anim na mansion na sinasabing tinitirhan ng ibang pamilya ng Punong Ehekutibo.
Kabilang sa sisiyasatin ni Lim ang sinasabing "Boracay" mansion sa New Manila, Quezon City na tinitirhan umano ng dating aktres na si Laarni Enriquez na may mga anak sa Pangulo.
Tiniyak ni Lim na mananatili siya sa Gabinete ni Estrada at, sakaling magbago ang liderato ng pamahalaan, handa siyang magsilbi sa papalit dito kung nanaisin nito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended