^

Bansa

SSS nag-release ng P382M sa business at social loans

-
Nakapag-released ng P382.3 million ang Social Security System (SSS) para sa business at social loans sa unang siyam na buwan ng taong ito ayon kay SSS Chairman and President Carlos Arellano.

Sinabi ni Arellano na nag-released ang SSS ng P140.7 million para sa pitong projects sa ilalim ng hospital financing program at P107.2 million naman para sa walong projects sa ilalim ng educational financing program.

Sinabi pa ni Arellano na ang mga loan releases ay bahagi ng pagsisikap ng SSS para makatulong sa paglago ng ekonomiya sa bansa. "It is part of our mandate as the government’s partner in its pursuit of economic development," ayon pa kay Arellano.

Ang SSS business and social development loan program ay inilunsad noong 1988 na nagbigay ng pautang para sa mga entrepreneurs. Noong nakaraang taon, nag-released ang SSS ng may kabuuang P1.048 billion loans sa mga schools, hospitals, tourism-related projects and small and medium-scale projects. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

ARELLANO

CHAIRMAN AND PRESIDENT CARLOS ARELLANO

NAKAPAG

NOONG

SINABI

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with