^

PSN Showbiz

Elisse, pinagdarasal ang kasal nila ni McCoy

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Elisse, pinagdarasal ang kasal nila ni McCoy
Elisse Joson
STAR/ File

Gabi-gabing pinapanood ni Elisse Joson ang kasintahang si McCoy de Leon sa FPJ’s Batang Quiapo. Ginagampanan ng aktor ang karakter ni David sa seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin. Ayon kay Elisse ay malaki na ang ipinagbago ni McCoy pagdating sa pag-arte. “Gabi-gabi akong nanonood. Nakakainis in a way (dahil sa karakter) na nakaka-proud. He’s come a long way. Napag-uusapan namin ‘yung gano’n and it helps us both, minsan nag-ask ako sa kanya like, ‘Anong ginawa mo doon? Paano mo ginawa ‘yon?’ Tapos talagang nakakabilib rin as me, as an audience,” kwento ni Elisse sa ABS-CBN News.

Masaya ang aktres sa relasyon nila ni McCoy ngayon. Hanggang maaari ay sinisikap nilang maging pribado na lamang ang tungkol sa kanilang personal na buhay. “Okay naman po. We want to keep our private life private. What you see is what we just want to share,” giit ng aktres.

Mahigit tatlong taon na ngayon ang anak nina Elisse at McCoy na si Felize. Napag-uusapan na rin ng magkasintahan ang tungkol sa kasal. “I think it’s gonna come when the timing is right. Pinagpi-pray ko po na ngayon, masunod ang tamang pagkakataon at tamang time,” pagtatapos niya.

Sunshine, walang lihim sa mga anak

tatlong babae ang anak nina sunshine cruz at Cesar Montano. Mahigit isang dekada nang hiwalay ang dating mag-asawa at ngayon ay nai-enjoy umano ng aktres ang pagiging isang single mom. “Everything about being a mom. Even ‘yung mga situations na pinapasakit ang ulo ko ng mga anak ko. That’s where you learn eh being a mom is such a blessing. I’m very proud and happy of my three girls. They’re all honor students, they’re all dean’s listers. So, it’s something to be proud of,” nakangiting bungad ni Sunshine.

Hindi raw naglilihiman ang mag-iina kaya talagang maayos ang turingan nila sa isa’t isa. “Importante sa akin ang open communication. It’s okay to share these things sa best friends ninyo pero ‘wag n’yo itatago sa nanay n’yo. More than anyone, ang nanay n’yo ang mag-a-advise nang tama sa inyo. As a mom, I can be one of the sweetest friends that you can have but when it comes to being madisiplina sa mga bata, ‘wag n’yo akong itrato parang kaibigan. So meron kaming thin line na nagse-separate diyan,” giit ng aktres.

Ngayon ay maayos nang muli ang turingan nina Sunshine at Cesar. Maging ang bagong kasintahan ng aktor ay kaibigan na rin daw ni Sunshine. Mayroong mga pagkakataon na nagpapatulong si Sunshine kay Cesar at kasintahan nito kapag mayroong problema sa mga anak. “Thank God, after the pandemic, co-parenting na kami ng aking ex-husband. At least hindi na lang ako kung medyo sumasakit ‘yung ulo ko sa anak ko. I would message his partner Kath. ‘Kath kausapin n’yo naman ni Cesar ‘yung mga bata,” kwento ng aktres.  (Reports from JCC)

vuukle comment

ELISSE JOSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with