^

Bansa

P16.3 billion kailangan ng NFA pambili ng palay sa 2025

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
P16.3 billion kailangan ng NFA pambili ng palay sa 2025
Ayon kay NFA Acting Administrator Larry Lacson, ang nasabing pondo ay upang makamit ang dami ng target volume para sa national buffer stock at sa dagdag na budget para sa pag-upgrade ng storage capacity nito.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Umaabot sa P16.3 bilyon ang hinihirit na pondo ng  National Food Authority (NFA) para sa pagbili ng palay sa 2025.

Ayon kay NFA Acting Administrator Larry Lacson, ang nasabing pondo ay upang makamit ang dami ng target volume para sa national buffer stock at sa dagdag na budget para sa pag-upgrade ng storage capacity nito.

Aniya, bukod sa pagpopondo sa pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka, kinakailangan nang bumuo ng karagdagang mga pasilidad sa pag-iimbak at pagsasaayos ng drying facilities upang mapabuti ang buffer stocking.

Sa kasalukuyan, ang NFA ay may kapasidad lamang na magtuyo ng 31,000 metrikong tonelada pero bumibili ng humigit-kumulang na 495,000 metrikong tonelada ng palay.

Sa panukalang budget ng Department of Agriculture para sa 2025, P24.85 bilyon ang inilaan para sa NFA na mas mataas ng 77 percent sa P14.03 bilyon ngayong taon.

Sa pondo para sa taong ito, P9 bilyon ang inilaan para sa pagbili ng palay ng NFA, na may assumed procurement price na P23 kada kilo.

Samantala, pinag-uusapan pa rin sa Kongreso kung ibabalik ang kapangyarihan ng NFA na mag-angkat ng bigas o magpatatag ng presyo sa merkado.

May ilang senador kasi na nagmungkahi na ibigay na lang sa DA ang kapangyarihang ito.

vuukle comment

NFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with