^

Probinsiya

P34 milyong shabu samsam sa buy-bust, 3 arestado

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P34 milyong shabu samsam sa buy-bust, 3 arestado
Walang kawala ang tatlong “drug dealers” (nakaupo), isa rito ang dumayo pa mula Quezon City, matapos silang makumpiskahan ng P54 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng PDEA 9 katuwang ang pulisya sa Brgy. Sinunuc, Zamboanga City nitong Huwebes.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Nasa P34-milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga anti-narcotics agents at pulisya mula sa tatlong hinihinalang drug dealers, isa rito ang dumayo pa mula Quezon City sa ikinasang buy-bust ope­ration nitong Huwebes sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 9 ang mga suspek na sina Abdurajik Unayel, Sembonaga Dimasangca at kanilang kasabwat na si Matitin Mosa Saed na taga Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ang tatlong suspek ay nasa kustodya na ng PDEA 9.

Ayon sa mga intelligence officials ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), Western Mindanao Command at Philippine Army’s 6th Infantry Division na may sakop sa Central Min­danao, si Saed ay may mga kasabwat at kontak din sa mga lalawigan at siyudad ng Bangsamo­ro Autonomous Region, siyam dito ay nahuli na ng mga operatiba ng PRO-BAR at agents ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa mga buy-bust operation, sa loob ng 13 buwan.

Sa ulat, sina Unayel, Dimasangca at Saed ay agad inaresto ng mga PDEA 9 agents katuwang ang mga operatiba ng iba’t ibang units ng PRO-BAR matapos bentahan ng tatlo ang poseur buyer ng droga sa Brgy. Sinunuc. Nakumpiska sa tatlo ang 5-kilong shabu na nagkakahalaga ng P34 milyon na gagamiting ebidenysa sa pagsasampa sa kanila ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang nasabing operasyon ay suportado ng tanggapan ni Zamboanga City Mayor Khymer Adan Olaso at kanyang mga lider sa Barangay Sinunuc.

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with