^

PSN Opinyon

‘Katapatan’ ni VP Sara

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sinibak ng Ombudsman nu’ng October si Bohol provincial board member Vierna Mae Boniel-Maglasang. Ang sala: malubhang kawalan ng katapatan.

Dalawang beses nu’ng 2024 niya pina-gasolinahan ang mga pribadong kotse gamit ang vouchers na pang-sasakyang gobyerno. Nawalan ang kapitolyo ng 100 litro. Nasa P60 kada litro ang presyo ng gasolina noon, o kabuuang P6,000.

Kinansela rin ang civil service eligibility niya. Bawal mag-eksamen para sa civil service. Tinanggal ang retirement benefits.

Ganun katindi ang batas kontra katiwalian.

Nalantad sa Senate impeachment trial ang mga sala ni VP Sara Duterte:

• Kumubra siya ng P2.36 milyon mula sa Davao City Hall nu’ng 2023. VP na siya nu’n. At dating Davao mayor at vice mayor nu’ng 2007-2022.

• Kumubra rin si VP Sara ng P82,000 “legal services” mula sa Davao City Hall nu’ng 2023.

Labag ‘yon sa Konstitusyon: Article VII, Executive Department, Section 13. Bawal ang President, VP, Cabinet secretaries, Usecs, at Asecs na magkaroon ng ibang propesyon, lumahok sa negosyo, at kumontrata sa anomang sangay ng gobyerno.

Labag din sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, R.A. 3019. Bawal impluwensyahin o puwersahin ng sinomang opisyal ang iba pang opisyal na pagkalooban siya ng pera, pabor, o regalo. Parusa: anim hanggang 15 taong kulong, bawal magka-pwesto muli, at kumpiskasyon ng halagang dinidal.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with