Mabilis na aksiyon ng DOH sa congested na mga ospital, pinuri

MANILA, Philippines — Dahil sa mabilis na tugon sa dalawang congested na ospital, nagpahayag ng pasasalamat at papuri sa pamamagitan ng kanyang liham si Samar Governor Sharee Ann Tan kay Health Secretary Edwin Mercado kasabay ng panawagan na kailangan pa rin ang pangmatagalang solusyon upang matiyak ang maayos at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Samareño.
Batay sa opisyal na ulat noong Oktubre 19, umabot sa 181 ang mga pasyenteng naka-confine sa Calbayog District Hospital, na may awtorisadong kapasidad lamang na 75 kama.
Samantala, nasa 200 hanggang 250 pasyente naman ang tinatanggap ng Samar Provincial Hospital sa Catbalogan City, sa kabila ng kapasidad nitong 100 kama. Dahil dito, labis na nahihirapan ang mga pasilidad at mga health worker na tugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.
Kasunod ng panawagan ni Tan noong Oktubre 26, inatasan ni Mercado ang DOH Eastern Visayas na magbigay nang agarang tulong, kabilang ang pansamantalang pasilidad para sa mga pasyente, emergency medical teams, at karagdagang kawani.
Iginiit ni Tan na dapat sundan ang mga agarang hakbang nang pagpapalawak ng mga pasilidad, pagdaragdag ng mga kama at makabagong kagamitang medikal, gayundin ang pagkuha nang sapat na bilang nang mga doktor at nurse.

Ludy Bermudo

- Latest