^

Metro

DOH: 1M kabataan may high blood

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
DOH: 1M kabataan may high blood
Sa inilabas na paalala nitong Sabado, sinabi ng DOH na batay sa pag-aaral noong 2015, tinatayang nasa isang milyong Pilipino na edad 20 hanggang 24 ang mayroon nang ­altapresyon.
BW FILE PHOTO

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na hindi lamang mga nakatatanda ang maaaring magkaroon ng altapresyon o high blood pressure kundi maging ang mga kabataan, kaya mahalagang maagang masanay ang mga ito sa wastong pagkain at regular na ehersisyo.

Sa inilabas na paalala nitong Sabado, sinabi ng DOH na batay sa pag-aaral noong 2015, tinatayang nasa isang milyong Pilipino na edad 20 hanggang 24 ang mayroon nang ­altapresyon.

Ayon sa ahensiya, kabilang sa mga pa­ngunahing sanhi nito ang madalas na pagkain ng hindi masustansyang pagkain, kakulangan sa pisikal na aktibidad, paninigarilyo, pagva-vape, pag-inom ng alak, kakulangan sa tulog, at matinding stress.

Ayon naman sa huling datos mula sa Department of Science and Technology - Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), nasa bandang 7% ng mga kabataang Pilipino (adolescents na may edad 10 hanggang 17 taong gulang) ang mayroon nang hypertension o altapresyon.

Dahil dito, hinika­yat ng DOH ang mga magulang at kabataan na gawing bahagi ng pang-araw-araw na pamumuhay ang tamang nutrisyon at regular na ehersisyo upang mabawasan ang panganib ng altapresyon at iba pang sakit sa puso.

Pinaalalahanan din ng ahensiya ang publiko na regular na magpatingin at magpa-monitor ng blood pressure upang maagang matukoy at maagapan ang posibleng komplikasyon ng sakit.

Ang hypertension ay tinaguriang isang “silent killer” dahil madalas ay wala itong pinapakitang malinaw na sintomas sa simula. Kung hindi ito maaagapan, maaari itong magdulot ng mas malulubhang sakit sa puso o stroke sa kanilang pagtanda.

DEPARTMENT OF HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with