^

PSN Palaro

Eala sunod na hahataw sa Hong Kong Open

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala sunod na hahataw sa Hong Kong Open
Si Alex Eala laban kay Russian Diana Shnaider sa quarterfinals.

MANILA, Philippines — Matapos ang bigong kampanya sa Tokyo Open, target ni Alex Eala na ru­mesbak sa Hong Kong Open na lalarga sa susu­nod na linggo sa Hong Kong.

Galing si Eala sa quarterfinal finish sa Tokyo Open kung saan lumasap ito ng 2-6, 7-6 (5), 6-4 ka­biguan sa kamay ni No. 3 seed Diana Shnaider ng Russia.

Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na na­talo si Eala kay Shnaider.

Una na noong nakaraang linggo sa Ningbo Open sa China nang itarak ng Russian netter ang 7-5, 6-4 panalo kay Eala sa Round of 16.

“Both of us could take the match to a really, really high level. I’m proud of that des­pite the loss, but I do think I had my chances. Next time, hopefully do bet­ter in those moments,” ani Eala.

Nagpasalamat si Eala sa mga Pinoy fans na patuloy na sumusuporta sa ka­niyang mga laban lalo pa’t isa ang Japan sa mga paborito nitong lugar.

“To be in front of the crowd and to play in this atmosphere is always super special. I love Japan as a whole, whether I’m here for tennis or not, so I really had fun,” ani Eala.

Target ni Eala na mag­ka­roon ng magandang pagtatapos ang kaniyang kampanya sa taon na ito.

Ang Hong Kong Open ang pinakahuling torneo na lalahukan ni Eala sa WTA Tour.

Sa kabila ng dikit dikit na kamalasan sa nakalipas na mga torneo, nanatiling mataas ang moral ni Eala.

“I’m super excited, and I’m going in with high motivation. I’m trying to put my reflections off for one more week because of said motivation. Check back in a week,” ani Eala.

Matapos ang Hong Kong Open ay makaka­pag­pahinga ng mahaba si Eala.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with