13K pulis, ide-deploy sa Metro Manila sa Undas
MANILA, Philippines — Magde-deploy ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 13,084 pulis upang tiyakin ang kaligtasan at kaayusan sa Metro Manila ngayong Undas.
Ayon kay NCRPO spokesperson Police Lt. Col. Hazel Asilo, kabilang sa ide-deploy ang 12,459 tauhan ng NCRPO at 625 mula sa regional support units.
Naka-heightened alert na ang NCRPO, habang magsisimula ang skeletal deployment sa Oktubre 29 at full alert status sa Oktubre 30. Posible itong palawigin hanggang Nobyembre 3.
Magbabantay ang mga pulis sa mga sementeryo, transport terminal, mall, resort at iba pang mataong lugar upang maiwasan ang krimen.
- Latest


















