^

Metro

2 katao timbog sa illegal firearms, snatching

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 katao timbog sa illegal firearms, snatching
Sa report na tinanggap ni QCPD Director PBGen. Christopher Olazo, ang mga suspek na sina alyas “Celso,” 37, ng Brgy. Unang Sigaw, at “Rico,” 32, ng Brgy. Balingasa, Quezon City, ay naaresto nitong Oktubre 20 sa follow-up operation bunsod ng kaso ng pamamaril sa lugar noong Oktubre 11.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Arestado ng mga operatiba ng Talipapa Police Station (PS 3) ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang lalaki na nahulihan ng baril at sangkot sa kaso ng snatching sa lungsod.

Sa report na tinanggap ni QCPD Director  PBGen. Christopher Olazo, ang mga suspek na sina alyas “Celso,” 37, ng Brgy. Unang Sigaw, at “Rico,” 32, ng Brgy. Balingasa, Quezon City, ay naaresto  nitong Oktubre 20 sa follow-up operation bunsod ng kaso ng pamamaril sa lugar noong Oktubre 11.

Isang concerned citizen ang nag-report tungkol sa dalawang lalaking kahina-hinala ang kilos sa ilalim ng footbridge sa EDSA corner Oliveros Drive.Nang lapitan ng mga pulis, nagtangka umanong umiwas ang dalawa ngunit kalaunan ay naaresto. Narekober sa kanila ang isang improvised shotgun at .38 caliber.

Lumilitaw na kabilang ang dalawa sa limang suspek na  sangkot sa  snatching noong  Oktubre 14. Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang tatlo pang suspek na kinilala sa mga alyas na “Jayson,” “Ryan,” at “Michael.” 

Ayon kay Olazo, paiigtingin ng pulisya ang mga operasyon laban sa ilegal na mga baril at sisiguraduhing mapanagot ang mga lumalabag sa batas sa pamamagitan ng wastong proseso. Hinimok din niya ang mga biktima ng krimen sa lansangan na makipagtulungan sa pulisya upang mapabilis ang pagkilala at pag-aresto sa mga sangkot.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with