^

Metro

Remulla kay Respicio: Ipapa-drug test kita

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Remulla kay Respicio: Ipapa-drug test kita
Vice Mayor Jeryll Harold Respicio of Reina Mercedes, Isabela
Jeryll Harold Respicio Facebook page

‘Tapos na ako, ikaw naman’ - Respicio

MANILA, Philippines — Nais ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ipadrug test si Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Atty. Harold Respicio kasunod ng inasal nito sa nakaraang session ng Sangguniang bayan kung saan dumalo ang ilang opisyal ng barangay.

Ayon kay Remulla, tila wala sa sarili si Respicio at para umanong adik dahil sa kanyang ginawang paninigaw sa mga pulis at ilang barangay chairman. Una nang sinabi ni Remulla na “inexcusable” o hindi katanggap-tanggap ang naging asal ng opisyal.

Nag-ugat ang tensiyon nang matalakay ang paggamit ng pondong mula sa tobacco excise tax.

Sinabi pa ni Remulla na may tinitingnan ding posibleng paglabag kaugnay ng umano’y pagsigaw ni Respicio sa pulis na naroon sa naturang insidente.

Nang tanungin kung maaaring ma-isyuhan ng show cause order ang vice mayor, sinabi ni Remulla na pinag-aaralan pa ito at sa ngayon ay nais muna niyang ipa-drug test ang opisyal.

Agad namang tumugon si Respicio sa planong pagpapa-drug test sa kanya ni Remulla. Nagtungo ito sa St. Lukes Medical Center at sumailalim sa drug test kung saan nega­tibo ang resulta. Nais din ni Respicio na ire-imburse ni Remulla ang kanyang drug test na nagkakahalaga ng P28,000.

Dito ay hinamon ni Respicio si Remulla na magpadrug test din para malaman kung sino ang tunay na adik.

Pinayuhan ni Remulla si Respicio na mas pagtuunan ng pansin ang kaniyang kalusugan.

HAROLD RESPICIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with