SSS members na may 12 buwang hulog, pasok sa P20K microloan

MANILA, Philippines — Maaari nang makautang ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) na may halos 12 buwang hulog para makapag-apply sa bagong digital microloan facility ng ahensiya na SSS Micro Loan Program o tinatawag na SSS LoanLite.
Ayon kay SSS President at Chief Executive Officer Robert Joseph M. de Claro, mula P1 libo hanggang P20,000 ang maaaring mapautang sa ilalim ng programa na dinesensyo para magamit ng mga miyembro sa panahon ng emergency.
Ang mga qualify sa SSS LoanLite ay eligible employed, self-employed, voluntary, at OFW members na nasa 18 years old sa panahon ng aplikasyon at bago mag- 65 years old sa huling loan term, may halos 12 posted monthly contributions, walang past-due Short-Term Member Loan tulad ng Salary, Calamity, o Emergency Loan, walang pending o settled final benefit claim tulad ng retirement o permanent total disability, walang active Restructured Loan, may account na naka enroll sa online facility ng isang participating financial institution (PFI), walang active SSS Micro Loa, at walang record ng katiwalian laban sa SSS Loanable amount.
- Latest















