^

Bansa

Hatol vs VP Sara, hindi na maiaapela sa SC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi na maaaring iapela sa Korte Suprema ang magiging hatol ng Senate impeachment court sakaling mahatulan o mapawalang-sala si Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House lead prosecutor na si Gerville Luistro, ang desisyon ng impeachment court ay hindi katulad ng mga hatol sa ordinaryong kaso na maaaring umakyat sa mas mataas na hukuman. Dahil dito, sinabi niya na kung sakaling ma-convict si Duterte, wala itong remedyo upang iapela ang mismong hatol sa SC.

Hindi aniya ito gaya ng mga kasong kriminal dahil ang conviction sa impeachment ay may kaakibat na parusang pagpapatalsik sa puwesto at panghabambuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa pamahalaan.

“Kung ano man ang maging desisyon ng kagalang-galang na Impeachment Court, whether it is for conviction or for acquittal, there is no remedy for appeal or review. The decision of the impeachment court on the acquittal or conviction is never appealable,” ani Luistro.

Pinabulaanan din ng House prosecution ang mga pahayag na tila nabago ang Konstitusyon matapos maglabas ng desisyon ang Senate court hinggil sa kung sinu-sino ang maaaring bumoto kapag dumating na ang panahon ng paghatol.

Muling iginiit ni Luistro na nananatiling 2/3 ng mga miyembro ng Senado ang kinakailangang boto para sa conviction, alinsunod sa itinatadhana ng Konstitusyon.

Ginamit lamang ng Senado ang eksklusibong kapangyarihan nito na duminig at magpasya sa lahat ng kaso ng impeachment nang linawin nito ang probisyong konstitusyonal tungkol sa “dalawang-katlo ng lahat ng miyembro ng Senado,” partikular kung sinu-sino ang legal at aktuwal na kuwalipikadong bumoto sa impeachment trial.

“Natuldukan na ang usapin, diskusyon, at debate ng sambayanang Pilipino kung ilan nga ba ang kinakailangang boto para sa conviction at kung ilan naman ang kailangan para sa acquittal,” aniya.

Sinabi ni Luistro na ang desisyon ng Senate Court ay hindi pabor sa alinmang panig ng paglilitis dahil ang anumang pagbabago sa denominator o batayang bilang para sa two-thirds vote ay makaaapekto kapwa sa kinakailangang boto para sa conviction at acquittal.

Paliwanag niya na kung 20 senador-hukom lamang ang kwalipikado at available na bumoto sa oras ng paghatol, 14 boto ang kakailanganin upang mahatulan ang inaakusahan.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with