Mass shooting sa iskul gawa ng sindikato
3 sunod na beses hindi pangkaraniwan
MANILA, Philippines — Inilutang ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang posibilidad na kagagawan ng organized at syndicated group ang mga nangyaring magkakasunod na insidente ng pamamaril sa mga eskuwelahan sa bansa.
“Meron tayong mga nakakalap na impormasyon na parang unusual or hindi pangkaraniwan, ‘yung tatlong beses sunud-sunod every month, ‘yung mass shooting na never nangyayari noon, which leads many to suspect that this is actually organized, syndicated, and calibrated,” ani Pangilinan sa pagdinig ng panukalang 2027 budget ng Department of Justice.
Idinagdag ni Pangilinan na hindi na siya magtataka kung magdudulot ito ng gulo, instability at takot para palabasin na mahina ang gobyerno.
Ayon naman kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag, valid at may basehan ang obserbasyon ni Pangilinan.
Sinabi ni Matibag na sa kanilang imbestigasyon, may iba’t ibang grupo na nagti-trigger sa mga estudyante na makagawa ng krimen tulad ng pamamaril.
“Meron naman po mga lurkers na tinatawag na kinokopya lang ito, merong as simple as ‘yung estudyante na hindi nakagawa ng homework, magsasabi na may shooting na mangyayari,” ani Matibag. “So those are the things that we want to monitor as a team within the family of DOJ , and of course ang NBI po, we want to be very active on this one.”
- Latest






















