Kawatan dumaan sa bubong, nasukol

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 30-anyos na nagnakaw sa isang motorcycle accessories shop dahil sa malinaw na kuha ng closed-circuit television (CCTV) ng pagpasok at paglabas sa bubong, sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Sa ulat ng Pasig City Police Station (PCPS), alas-8:30 ng umaga ng Hulyo 20, 2026 nang maaresto ang suspek nang matunton sa pamamagitan ng CCTV backtracking at mabawi ang mga nakaw na smartphones, tablet, at ilang premium motorcycle helmet intercom at mesh communication systems.
Nang madiskubre ng empleyado ng shop, agad ini-report sa pulisya na nagsagawa ng imbestigasyon at pagtunton sa kinaroroonan ng suspek.
Nasa kabuuang P152,742.00 ang halaga nang lahat ng mga nakaw na narekober ng pulisya.
Sinampahan ng reklamong robbery ang suspek sa Pasig City Prosecutor’s Office.
- Latest






















