Naunsyaming extension ni P/BGen. Marantan
HINDI umubra ang kasikatan ngayon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na mai-extend sa puwesto itong si CALABARZON chief P/BGen. Hansel Marantan matapos na soplahin ito nang Malacañang. Hehehe! Kasi nga naman, ayon sa mga ugong-ugong na kumakalat, mukhang tanging si SILG Remulla lamang ang bilib sa kakayahan nitong si Marantan pagdating sa trabahong pulis. Lumalabas tuloy na may malagkit na pinagsamahan itong si Remulla at Marantan mula pa noon dahil itong si SILG Jonvic Remulla ay matagal na nagsilbing pulitiko at ang kanyang buong angkan ay patuloy na nagsisilbi sa lalawigan ng Cavite. Hehehe! Ayon yan sa mga nakausap ko mga suki!
Wala naman masama doon sa hinihiling ni Remulla na ma-extend nga itong si Marantan sa CALABARZON dahil sa totoo lang maraming accomplishment din naman itong naipamalas sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas at Quezon dahil sa matagal niyang pananatili rito. Subalit sa ngayon ay hindi na ito, magandang ehemplo para sa mga opisyales na ng ating kapulisan na mai-extend pa sa puwesto dahil sa dinami-daming opisyal na tinutubuan na ng pigsa sa kauupo diyan sa National Headquarters, aba’y dapat lamang na walang kikilingan itong si SILG Remulla at ipakiusap itong si P/BGen. Maratan sa National Police Commission (NAPOLCOM) para mai-extend lamang sa puwesto. Get n’yo mga suki? Kaya naman simbilis ng pagsigabong ng kidlat sinopla itong si Marantan na mai-extend pa ng isang taon.
Sa pahayag ni Atty. Claire Castro, hindi pinayagan ni President Ferdinand Marcos Jr., na mai-extend pa si Marantan sa CALABARZON. Ayon kasi kay Castro maari naming makatulong itong si Marantan sa ibang pamamaraan sa administrasyon ni PBBM subalit ang mai-extend ay hindi na muna ito uubra. Kaya naman ang matunog ngayon na usap-usapan mula sa hanay nitong aking mga kausap na mga ‘Retarded’ este Retired Police ay may hinuhukay pa bang ginto ito sa naturang rehiyon? Iyon nama’y kung napagbigyang mai-extend subalit ngayon na binutata na ng Malacañang itong panawagan ni SILG Remulla sa NAPOLCOM aba’, may papalarin na namang opisyal na maiangat sa pagka-balauta sa National Headquarters. Hehehe!
Kaya naman kumakalat ngayon ang usap-usapan na ang dapat na pagtuunan nitong si Remulla ay ang paghanap kina puganteng Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa, puganteng Pet Master Charlie Atong Ang, dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co at iba pa na maimpluwensyang personalidad na sumira sa imahe ng Philippine National Police (PNP). Kasi nga kung wala maipapamalas itong si Remulla sa sambayanan sa mga puganteng patuloy na namamayagpag, baka umiba ang ihip ng hangin at magsigawan ang madlang pipol na lisanin na niya ang kanyang puwesto. Di ba mga suki? Abangan!
- Latest
















