^

PSN Palaro

Gilas balik-ensayo para sa Qualifiers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas balik-ensayo para sa Qualifiers
Tim Cone
STAR / File

MANILA, Philippines —  Inaasahang mas mataas na ang intensidad ng trai­ning ng Gilas Pilipinas sa mga susunod na araw upang maibalik ang porma nito bago sumabak sa FIBA World Cup Asian Qualifiers third window sa New Zealand at Australia.

Balik-ensayo na ang Gilas Pilipinas kasama si head coach Tim Cone na sa­riwa pa sa matamis na kampeonato sa PBA Commissioner’s Cup.

Kasama ni Cone sa na­turang tagumpay sina na­turalized player Justin Brownlee at Scottie Thompson na bahagi rin ng Gilas program.

Kaya naman walang pa­hi-pahinga para sa tatlo da­hil agad itong sasalang sa ensayo matapos ang ilang araw na pahinga.

Nais ni Cone na maibalik agad ang chemistry ng tro­pa dahil hindi biro ang pag­daraanan ng Gilas sa ka­nilang huling dalawang la­ro.

“We need to bring them back early to get them back in shape,” ani Cone.

Kailangan ng tropa ng mas mahabang ensayo lalo pa’t may ilang nawala at ilang nadagdag sa team gaya ni dating De La Salle University standout Mike Phillips.

Nabigyan na si Phillips ng go-signal ng FIBA para maglaro bilang local player kaya’t malaki ang maitutulong nito sa Gilas.

Hindi masisilayan sa third window sina bigmen Kai Sotto at Quentin Millora-Brown.

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with