Pinoy pride ipinakita ni JC sa Knicks parade

NEW YORK - Iwinagayway ni Filipino-American guard Jordan Clarkson ang Philippine flag sa championship parade ng Knicks kahapon.
Ipinagmalaki ng Gilas Pilipinas player ang kanyang pagiging Pinoy sa gitna ng nasabing event bilang pagdiriwang sa paghahari ng Knicks sa nakaraang NBA Finals laban sa San Antonio Spurs.
“Shoutout to the Knicks fam in the Philippines,” sabi ng Knicks sa kanilang Instagram account.
Ang 34-anyos na si Clarkson ang naging unang Fil-Am player na nanalo ng NBA championship matapos talunin ng New York ang San Antonio, 4-1, sa NBA Finals.
Agaw-eksena rin sa title series ang isa pang Fil-Am na si rookie guard Dylan Harper para sa Spurs na binanderahan ni 7-foot-4 Victor Wembanyama.
Hinawakan ni star guard Jalen Brunson ang golden NBA championship trophy sa parada na nilahukan ng libu-libong Knicks fans.
“Damn, New York, we really did it,” ani Brunson, ang Finals MVP, sa selebrasyon nila sa City Hall. “Somehow, someway, I knew we were going to find a way to get this done.”
Si center Karl-Anthony Towns ang nagdala sa kanilang Eastern Conference championship trophy.
Inihandog ni New York City Mayor Zohran Mamdani ang susi sa siyudad sa mga Knicks’ players, coaches, owners at staff.
- Latest


















