UAAP sinuspinde Ateneo coaching staff
MANILA, Philippines — Pinatawan ng UAAP ng suspensyon ang lahat ng Ateneo coaching staff na kasama sa trahedya sa Aurora habang gumugulong ang imbestigassyon ng mga otoridad sa masaklap na pagkalunod ng mga Blue Eagles na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
Ayon sa UAAP, magsisilbi itong “preemptive measure” kahit hindi pa man nagsisimula ang UAAP Season 89 sa Setyembre upang masiguro ang integrity, due process at transparency ng mga naturang pagsisiyasat.
Desisyon ito ng UAAP Board of Trustees ayon sa rekomendasyon ng Board of Managing Directors kasama na rin ang pagtatakda ng deadline sa Hulyo 15 upang ipasa ng Ateneo ang resulta ng sarili nitong imbestigasyon.
Isa ito sa magiging batayan ng gagawing hakbang ng UAAP sa kapalaran ng Ateneo kung may mapatunayang pagkakasala bilang unibersidad ayon patakaran ng liga sa gitna ng mga dagundong ng pagpataw ang suspensyon sa kanila o pag-leave of absence ng Blue Eagles.
“The UAAP reiterates that accountability shall be determined based on the results of a thorough and impartial investigation and its fidelity to its own rules and regulations. All those found responsible for any wrongdoing shall be held fully accountable under league regulations,” wika ng UAAP papasok sa inaabangang 89th Season sa Setyembre.
Para sa mga coaching staff na Aurora, hindi sila puwedeng makisali sa mga UAAP-related activity sa anumang kapasidad hanggang hindi pa itinataas ng liga ang suspensyon.
Hindi tinukoy ng UAAP o ng Ateneo kung sino ang mga naturang staff nasa nasa Aurora kung saan idinaos ang training camp ng Blue Eagles at nalunod sina Baterbonia at Adili.
- Latest






















