^

Metro

2K pulis ide-deploy sa impeachment ni VP Sara

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Titiyakin ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa paligid ng Senado kaugnay ng ng impeachment trial ni Vice President Sara Durterte kung saan nasa 2,000 pulis ang ipakakalat.

Ayon kay PNP Directorate for Operations PBGen. Ponce Rogelio Peñones Jr., nakaalerto na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa nalalapit na impeachment proceeding laban kay VP Duterte sa Hulyo 6.

Sinabi ni Peñones na nakaplano na ang deployment sa loob at paligid ng Senado at hindi bababa sa 2,000 tauhan mula sa NCRPO ang itatalaga para sa seguridad.

Kabilang sa mga reklamong impeachment laban kay VP Duterte ang umano’y pagtataksil sa tiwala ng publiko at culpable violation of the Constitution. Bunsod ito ng mga alegasyon ng maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds, pagbabanta umano laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa kanyang pamilya, at hindi maipaliwanag na pagyaman.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with