^

Metro

Pulis sibak sa traffic violation

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pulis sibak sa traffic violation
Batay sa ulat, umaga ng Biyernes, Hunyo 19, 2026 nang sitahin ang isang police master sergeant ng isang babaeng traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau sa panulukan ng Lacson Ave. at Dapitan St., sa Sampaloc, Maynila. Nakatalaga ang pulis sa MPD Meisic Police Station 11.
Philstar.com, file

MANILA, Philippines — Sibak sa puwesto ang isang pulis na nakatalaga sa Manila Police District (MPD) na natukoy dahil sa viral video na paglabag sa batas-trapiko, ayon sa tagapagsalita ng MPD nitong Sabado.

Batay sa ulat, umaga ng Biyernes, Hunyo 19, 2026 nang sitahin ang isang police master sergeant ng isang babaeng traffic enforcer ng Manila Traffic and Parking Bureau sa panulukan ng Lacson Ave. at Dapitan St., sa Sampaloc, Maynila. Nakatalaga ang pulis sa MPD Meisic Police Station 11.

Makikita sa video footage ang paglapit ng traffic enforcer sa pulis, na nakasuot ng sleeveless jersey, habang naka-red traffic signal dahil walang suot na helmet.

Hiningi ng enforcer ang driver’s license ng pulis subalit tumanggi at sa halip ay nagpakilalang siya ay pulis at ipinapakita sa likod ng suot na jersey ang MPD logo. Nakita sa video ang pagkakamay ng dalawa at hindi na inisyuhan ng violation ticket.

“Hindi ito pamantayan para hindi ka sumunod sa batas. Lahat tayo bilang mga kawani ng gobyerno, magkaiba man tayo ng nakaatang na tungkulin, meron tayong pagkakapare-pareho — yong tinatawag nating accountability o pananagutan,” ani MPD spokesperson Police Major Philipp Ines.

Sa ulat, kinondena ni National Police Commission Vice Chairman at Executive officer Rafael Vicente Calinisan, sa pagsasabing hindi exempted ang pulis sa paglabag sa batas trapiko.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with