^

PSN Palaro

Mojdeh sumisid ng 2 ginto sa PAI SC

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mojdeh sumisid ng 2 ginto sa PAI SC
Sina Micaela Jasmine Mojdeh (kaliwa), coach Sherwyn Santiago (gitna) at Madi Mojdeh.
Chris Co

MANILA, Philippines — Hindi maawat si Micaela Jasmine Mojdeh ng Behrouzh Elite Swimming Team (BEST) matapos humakot ng dalawang ginto, dalawang pilak at isang tanso sa Philippine Aquatics, Inc. (PAI) Short Course National Trials na ginanap sa Teofilo Yldefonso Swimming Pool sa Malate, Manila.

Unang umariba si Moj­deh sa women’s 200m breaststroke matapos magtala ng dalawang minuto at 35.05 segundo upang ilampaso sina silver medalist Riannah Coleman na may malayong 2:39.41 at bronze winner Sofia Isip na may 2:39.47.

Rumatsada pa ng husto si Mojdeh sa kanyang paboritong 200m butterfly kung saan nailista nito ang 2:15.31 para pataubin sina Kyla Bulaga na nagkasya sa pilak tangan ang malayong 2:25.97 at Jindsy Dasion na pumangatlo bitbit ang 2:26.12.

Maliban sa dalawang ginto, nakapilak ang Filipino-Iranian tanker sa 100m butterfly (1:02.33) at 400m Individual Medley (5:09.22) habang may tanso rin ito sa 200m Individual Medley (2:23.25).

“Congratulations swimmers for having to survive a back to back Long course and Short course meet and finishing it in best time and podium fashion,” ani BEST team manager Joan Mojdeh.

Nagparamdam din ang iba pang miyembro ng BEST kung saan nakasungkit ni Geoffrey  Li­berato ng isang pilak sa men’s 50m breaststroke (28.91) at dalawang tanso sa 200m breaststroke  (2:20.22) at 100m breaststroke (1:03.54).

Sa kabilang banda, nakasikwat si Joshua Pak ng isang pilak sa men’s 100m Individual Medley (58.83) at isang tanso sa 100m backstroke (57.14).

Kasama rin sa BEST sina Behrouz Mohammad Madi Mojdeh na ika-5 sa men’s 200m butterfly hawak ang personal best na 2:16.59 gayundin si Ethan Waskiewicz na may sariling personal best na 25.53 sa men’s 50m freestyle.

Nagtapos ang BEST sa ikatlong puwesto sa overall team standings bitbit ang 270 points habang napasakamay ng FTW Royals Swim Club ang overall title tangan ang 448 points.

 

 

 

 

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with