^

PSN Palaro

Quiambao, La Salle binugbog ang Adamson

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Quiambao, La Salle binugbog ang Adamson
Tinirahan ni Kevin Quiambao ng La Salle si Joshua Barcelona ng Adamson.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Sinimplehan lang ni reigning Most Valuable Player Kevin Quiambao ang kanyang laro hindi nito kinailangan na mamu­wersa tulad ng inilaro niya sa hu­ling laban.

Nagtala si Quiambao ng 21 puntos sapat upang tulungan ang defending champions De La Salle University na tambakan ng husto ang Adamson University, 82-52 sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kagabi.

Nirehistro rin ni Quiambao ang limang rebounds, apat na assists, dalawang steals at isang block para sa Taft-based squad na nanatili sa tuktok ng liderato tangan ang 2-0 record.

Maagang ipinaramdam ng Green Archers ang ka­nilang lakas sa unang dalawang quarters, pinana nila ang 17 puntos na bentahe, 44-27 sa halftime.

Mula dito, hindi na pina­porma ng Green Archers ang Soaring Falcons sa second half at pinalobo ang kanilang bentahe sa 30 puntos para tuluyang lugmukin ang Adamson.

Bumakas din si rookie Doy Dungo ng 15 markers kasama ang perfect 5-of-5 shooting kaya madaling nakuha ng Green Archers ang panalo sa Soaring Falcons.

Kumana rin si Nigerian Henry Agunanne ng 11 puntos at 16 boards habang may siyam at walong puntos ang iniskor nina JC Macalalag at Vhoris Marasigan, ayon sa pagka­kasunod.

Nanatili sa tuktok ng team standings ang La Salle tangan ang 2-0 karta.

Nalasap ng Soaring Falcons ang unang talo sa dalawang laro.

Nanguna sa opensa ng San Marcelino based-squad si Cedrick Manzano na nagposte ng 15 points at walong rebounds.

vuukle comment

KEVIN QUIAMBAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with