^

PSN Palaro

Team Philippines sa Paris games lumulobo pa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Team Philippines sa Paris games lumulobo pa
Bianca Pagdanganan

MANILA, Philippines — Patuloy ang paglobo ng pambansang delegasyon sa 2024 Paris Olympics matapos madagdagan ang listahan ng mga nagkwalipikang Pinoy athletes.

Pasok na sina golfers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina ayon sa National Golf Association of the Philippines (NGAP).

“Bianca Pagdanganan and Dottie Ardina are the final additions to the Phi­lippine contingent for the Paris Olympics,” ayon sa post ng NGAP.

Nakahirit ng tiket sina Pagdanganan at Ardina dahil nasa Top 60 ito sa women’s Olympic rankings na opisyal nang nagtapos noong Hunyo 24.

Nasa ika-24 si Pagda­nganan upang masiguro ang kanyang ikalawang sunod na pagpasok sa Olympics.

Una na itong nasilayan noong 2021 Tokyo Olympics kasama si Yuka Saso noong kinatawan pa ito ng Pilipinas.

Nasa ika-55 naman si Ardina na masisilayan sa unang pagkakataon sa Paris Olympics.

Nagkwalipika na si Ardina noong 2016 sa Rio Olympics sa Brazil subalit hindi ito lumahok dahil sa Zika virus threat.

Kasama rin sa mga nakapasok si Kiyomi Watanabe ng judo base rin sa kanyang world ranking.

Inaasahang madaragdag pa sina swimmers Kayla Sanches at Jarrod Hatch via universality.

Kasama rin sa Paris Games sina pole vaulter EJ Obiena; gymnasts Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Levi Ruivivar at Emma Ma­labuyo, weightlifters Va­nessa Sarno, Elreen Ando at John Ceniza, bo­xers Eumir Marcial, Carlo Paalam, Nesthy Petecio, Aira Villegas at Hergie Bacyadan, fencer Sam Catantan, at rower Joanie Delgaco.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with