^

PSN Opinyon

Guro, imbestigahan sa estudyanteng nag-suicide dahil sa bagsak na grado

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MARAMING nasuklam sa gurong si Laura dahil sa mga bagsak na grado na ibinigay niya sa lalaking Grade-10 stu­dent sa Maasin, Iloilo na naging dahilan nang pagpapakamatay nito. Si Laura ay guro sa Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan subject. Nawalan ng pag-asa ang student na maka-gradute dahil ang mga ibinigay sa kanyang grade ng gurong si Laura ay 64, 69 at 66. Bagsak na grades! Ang lupit ng gurong ito!

Ayon sa report, nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang lalaking Grade-10 student. Masyado umanong na-depress ang student nang makita ang mga grade na ibi­nigay ng gurong si Laura. Nagtapat umano ang student sa kanyang ama at ina na hindi siya makaka-graduate dahil sa kanyang mga natamong grades. Ang advice umano ng ama sa anak ay: “Huwag kang titigil anak at makakapagtapos ka rin sa pag-aaral.”

Noong Mayo 10 ng madaling araw, nakita ng ama ang anak na nakabigti sa isang puno di-kalayuan sa kanilang bahay­. Naghalungkat ang ang ina nito na si Mariz sa mga gamit at cell phone ng anak. Nakita sa notebook nito ang suicide note. Lumalabas na sumama ang loob nito sa grade na ipinagkaloob ng gurong si Laura. Hindi niya matanggap.

Narito ang mga grado ng estudyante: Pilipino: 79,79,79; English 78,75,74; Mathematics 78,80,79; Science: 81,81,82; Araling Panlipunan: 78,78,79; Edukasyon sa Pagpapakatao: 82,82,80; Edukasyon Pantahanan at Pangkabuhayan: 64,69,66; at Mapeh: 86,86,87.

Nagtutumangis ang ina ng estudyante para panagutin ang gurong si Laura sa sinapit ng kanyang anak. Sa palagay ko dapat kumilos dito si Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte para aksiyunan ang nangyari. Hindi na dapat maulit ang ganitong pangyayari na nagpakamatay ang estudyante dahil sa “kalupitan” ng guro.

vuukle comment

STUDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with