^

PSN Opinyon

Resort sa Tanay kinukuwestiyon

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Kinukuwestyon ng mga residente ng Tanay at Baras, Rizal ang isang high class tourist resort dahil sa kawalang malasakit sa kalikasan. Tanong nila, ito ba’y may environmental clearance ng DENR at permiso ng Protectted Area Management Board? Kung mayroon, anyare? Bakit pinahintulutan?

Malaki at mamahaling resort ang Masungi. Hindi makakayanan ng ordinaryong mamamayan ang bayad dito. Maaaring isang booster ito sa industriya ng turismo dahil sa mga mamahalin at modernong pasilidad.

Ngunit ang issue ay may kinalaman sa legalidad at kung ito bay makasasalanta sa environment. Kamakailan lang ay naging malaking isyu ang ilegal na resort sa Chocolate Hills sa Bohol, ngayon heto ang isa pa!

Umaabot ito sa lawak na 2,700 ektarya na sumasakop as bahagi ng Tanay at Baras. Iyan ang nakapaloob as MOA na nilagdaan ng DENR at Masungi Georeserve Foundation, Inc.

May mga ipinalabas na resolusyon ang mga bayan ng Tanay at Baras na kumokontra as pagtatayo ng resort noon pang 2017. Sumasakop kasi ito sa Upper Marikina River Basin Project at Kaliwa River Forest Reserve.

Kaya maraming taong may puso sa pangangalaga ng kalikasan ang umaakma sa pagkakataon ng resort na ito na ang nagtayo ay ang Blue Star Construction and Development Corporation.

Ano ba ang tunay na pakay ng nasabing resort na ipiniprisinta ang sarili bilang may malasakit sa kalikasan pero ang itinayong resort ay tila lumalabag sa batas? Iyan ang hirap sa ibang tao. Kahit ikapahamak nang marami, sige lang basta’t ang kita ay limpak-limpak.

vuukle comment

DENR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with