^

PM Sports

Lady Knights, Lady Blazers‘di bibitaw sa No. 2 slot

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pareho ang nasa isip ng defending champion College of Saint Benilde at Letran, ito’y ang manatili sa pangalawang puwesto ng team standings sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament na lalaruin sa EAC gym sa Gen. Luna St. sa Paco, Manila, ngayong araw.

Tangan ng Lady Bla­zers at Lady Knights ang tig 5-1 baraha, makakalaban nila ang Emilio Aguinaldo College sa alas-11 ng umaga at San Beda University sa ala-1 ng hapon, ayon sa pagkakasunod.

Ipaparada ng four-peat seeking, CSB si Clydel Mae Catarig upang masilo ang panalo at mapahaba sa tatlo ang kanilang winning streak.

Humarabas si Catarig sa huli nilang laro nang tambangan nila ang Lyceum of the Philippines University, 25-16, 25-17, 25-14 sa tatlong sets, kumana ito ng 19 points mula sa 14 attacks, apat na blocks at isang service ace.

Kaya tiyak na ipanta­tapat ni coach Rogelio Getigan Jr. si Catarig sa mga pambato ng EAC para makamit ang panalo.

Makakatuwang ni Catarig sa opensa sina Zamantha Nolasco, Francis Mycah Go at Wielyn Estoque.

Paniguradong itotodo ng Lady Generals ang kanilang lakas upang mapaganda ang kanilang karta at silatin ang heavy favorite na Lady Blazers.

Sina Elizza Mae Alimen, Jamaica Villena at Cara Xia Xyra Dayanan ang magiging sandata ng Lady Generals sa iskoran.

Ibabala naman ni Letran mentor Oliver Almadro sina Marie Judiel Nitura at Sheena Vanessa Sarie para makatay nila ang maba­ngis na Lady Red Spikers (0-6), na uhaw na uhaw sa panalo.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->