Heat tuloy ang pagliyab

WASHINGTON — Humakot si center Bam Adebayo ng 28 points at 12 rebounds habang may 27 markers si Tyler Herro sa 120-94 pagtusta ng Heat sa Washington Wizards.
Nag-ambag sina Pelle Larsson at Terry Rozier ng tig-15 points.
Ang Miami (34-41) ang naging ikatlong koponan sa NBA history na kaagad kumamada ng limang sunod na panalo matapos mahulog sa isang 10-game losing skid.
Ang 2021-22 Houston Rockets team ay natalo ng 15 dikit bago manalo ng pitong sunod kagaya ng 2017-18 Chicago Bulls squad na nahulog sa 10-game losing slump bago naglista ng seven-game winning run.
Kumamada si Jordan Poole ng 35 points tampok ang pitong 3-pointers para sa kabuuan niyang 228 triples sa season na bumura sa franchise record na 223 tres ni Bradley Beal noong 2016-17.
Sa Memphis, nagtala si Jayson Tatum ng 25 points at 14 rebounds at may 26 markers si Al Horford sa 117-103 paggiba ng nagdedepensang Boston Celtics (56-19) sa Grizzlies (44-31).
- Latest