^

PM Sports

4 teams bardagulan sa Semis

John Bryan Ulanday - Pang-masa
4 teams bardagulan sa Semis
Si SMB scoring guard CJ Perez ang isa sa mga magiging problema ng Ginebra sa kanilang semis series.
PBA Image

TNT vs Rain or Shine; SMB kontra Ginebra

MANILA, Philippines — Mag-uunahan sa manibela ang apat na kopo­nang natitirang nakatindig upang maitakda ang kahihinatnan ng biga­ting duwelo sa 2025 PBA Phi­lippine Cup semifinals ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay.

Unang magpapangbuno ang Talk ‘N Text at Rain or Shine sa alas-5 ng hapon tsaka ang bakbakan sa pagitan ng sibling rivals na San Miguel Beer at Barangay Ginebra sa main game ng double-header sa alas-7:30 ng gabi.

Magkaibang daan ang tinahak ng 4 na koponan kaya siguradong hindi papatinag sa isa’t-isa lalo na’t nakataya ang krusyal na 1-0 abante sa best-of-seven Final Four series.

Halos hindi pinawisan sa quarterfinals ang No. 1 na SMB at No. 4 na Ginebra matapos pauwiin ang kanilang mga karibal sa isang subok lamang.

Nilasing ng mga manok ni coach Leo Austria ang reigning champion pero naging No. 8 seed na Meralco Bolts, 108-97, habang kinaldag ng mga bataan ni coach Tim Cone ang No. 5 na Converge FiberXer, 88-80.

Armado ng twice-to-beat incentives ang Top 4 na koponan sa All-Filipino tournament na siyang sinulit ng SMB at Ginebra.

Taliwas ito sa natamo ng No. 2 seed na NLEX at No. 3 na Magnolia na sinilat ng No. 6 na TNT sa gabay ni mentor Chot Reyes at No. 7 na Rain or Shine sa trangko ni coach Yeng Guiao para makasi­ngit sa semifinals.

Bilang patunay sa kalibre nito nang pagha­rian ang Governor’s Cup at Commissioner’s Cup, umeskapo ang Tropang 5G sa Hotshots sa Game 1, 89-88, at Game 2, 80-79, sa parehong game-winning free throws ni Kelly Williams.

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with