Finals MVP deserve ni Nambatac
MANILA, Philippines — Deserving si Rey Nambatac na makuha ang Finals MVP award sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup.
Hindi biro ang pinagdaanan ni Nambatac para makuha ito.
Mabigat ang pasanin ni Rey Nambatac sa TNT Tropang Giga matapos magtamo ng injury ang main guard na si Jayson Castro sa semis.
Kaya naman masaya itong napunan nito ang malaking puwestong iniwan ni Castro upang masungkit ng Tropang Giga ang korona sa Commissioner’s Cup.
Malaking bonus pa ang pagkopo nito sa Finals MVP award.
“Even this conference, when Kuya Jayson got injured, I knew the pressure was on me. The pressure was just heavy for me as I went through it though I was able to overcome it,” ani Nambatac.
Isa si Nambatac sa mga naasahan ng Tropang Giga para tulungan si Best Import awardee Rondae Hollis-Jefferson na tuloy pa rin ang laban sa kabila ng iniindang injury.
Dumaan muna sa matinding pag-subok ang TNT bago itakas ang 4-3 panalo sa best-of-seven finals series.
Nailista ng TNT ang gitgitang panalo laban sa Ginebra, 87-83, sa Game 7 ng series.
- Latest