^

PSN Palaro

Bolts sinilat ng Elasto Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bolts sinilat ng Elasto Painters
Sinagupa ni Rain or Shine balik-import Aaron Fuller sina Brandon Bates at Javee Mocon ng Meralco.
PBA Image

MANILA, Philippines — Dumaan sa butas ng karayom ang Rain or Shine bago ang dramatikong 85-83 panalo kontra sa Meralco sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor si balik-import Aaron Fuller ng 25 points, kabilang ang krusyal na basket sa huling 39.4 segundo, para sa ikaapat na sunod na ratsada ng Elasto Painters sa Group B matapos ang 0-2 panimula sa torneo.

Nagdagdag si rookie Deo Cuajao ng 12 mar­kers kasama ang dalawang three-point shots, habang may tig-11 points sina Jhonard Clarito at Caelan Tiongson.

“Ito siguro iyong isa sa pinakamasamang laro namin, but we found ways to carved out a win,” wika ni coach Yeng Guiao sa kanyang tropa.

Laglag ang Bolts sa kanilang ikatlong dikit na talo para sa 2-4 marka.

Naghabol ang Meralco sa halos kabuuan ng laro bago naagaw ang 75-68 abante sa Rain or Shine sa pagtatapos ng third period mula sa inihulog na 12-0 bomba tampok ang tatlong triples ni Chris Newsome at isa ni Javee Mocon.

Nagpalitan ng basket sina Clarito ng Elasto Pain­ters at Cliff Hodge ng Bolts para magtabla sa 83-83 sa huling 1:45 minuto.

Ang tirada ni Fuller ang nagbigay sa Rain or Shine ng 85-83 lead sa huling 39.4 segundo makaraan ang dalawang mintis ni Newsome sa posesyon ng Meralco.

Walang naipasok na free throws si Nocum para sa Elasto Painters sa huling 13.2 segundo kasunod ang tumalbog na foul shot ni Bong Quinto sa panig ng Bolts para sa final score.

Bolts sinilat ng Elasto Painters

Russell Cadayona

PBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with