^

PSN Palaro

Eala, partner sibak sa US Open mixed doubles

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala, partner sibak sa US Open mixed doubles
Masayang pinanood ni Pinay tennis sensation Alex Eala ang exhibition match nina Roger Federer at Andy Roddick sa 2026 US Open sa New York City.
Screenshot mula sa US Open Tennis/X

MANILA, Philippines — Bigo sina Alex Eala at world No. 4 Felix Auger-Aliassime ng Canada ma­tapos lumasap ng 1-4, 1-4 kabiguan sa kamay nina Gael Monfils at Elina Svitolina sa opening round ng US Open mixed doubles Martes ng gabi sa Louis Armstrong Stadium sa New York.

Solido ang inilaro nina Monfils at Svitolina kung saan hindi na nito pinaporma pa sina Eala at Auger-Aliassime para mabilis na kunin ang panalo.

Sesentro na ang atensiyon ni Eala sa singles event kung saan isa ito sa mga seeded players.

Inaasahang magsisi­mula ang kampanya nito sa Agosto 30 o 31 base sa ilalabas na schedule ng mga organizers.

Bago ang singles event nito sa US Open, sasalang muna si Eala sa exhibition match.

Makakasagupa ni Eala ang kaibigang si Iva Jovic ng Amerika sa singles match sa US Open “Stars of the Open” na lalaruin sa Arthur Ashe Stadium sa Flushing Meadows, New York.

Nakatakda ang laban nina Eala at Jovic sa alas-6 ng gabi Huwebes (alas-6 ng umaga Biyernes sa Maynila).

Sa kanilang head-to-head, hindi pa nananalo si Eala kay Jovic.

Nagharap na ang dalawa sa first round ng French Open kung saan nanalo si Jovic sa iskor na 6-4, 6-2.

Muling nagtagpo sina Eala at Jovic sa second round ng Queen’s Club na napanalunan ng American netter, 6-2, 6-2.

Paghahandaan ni Eala ang pagsabak nito sa exhibition gayundin sa kanyang pagbabalik sa US Open singles.

Kaya naman kasado na ang ensayo nito kasama si dating Grand Slam champion Venus Williams na nakapares nito ng dalawang beses sa doubles.

Nakatakda ang trai-ning session nina Eala at Williams ng alas-11 ng gabi hanggang alas 12 ng madaling-araw (oras sa Maynila) sa Arthur Ashe Stadium.

Nasa puspusang ensayo na si Eala para masigurong nasa magandang kundisyon ito bago ang main draw ng US Open.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with