Eala magpapagaling ng injury sa Pinas

MANILA, Philippines – Ang pahinga at pagrekober sa isang knee injury ang gagawin ni Pinay tennis ace at World No. 15 Alex Eala sa kanyang pag-uwi sa bansa.
Mula sa pagiging No. 50 sa pagbubukas ng 2026 ay tumalon ng 35 puwesto si Eala para makamit ang pinakamataas niyang posisyon sa buong mundo.
Isa sa mga nag-angat sa ranggo ni Eala ay ang panalo niya sa WTA Tour 250 sa Washington DC at sa Birmingham.
Nakapasok din ang 21-anyos na netter sa third round ng US Open at sa fourth round ng Wimbledon Open kung saan niya ginulat si reigning champion Iga Swiatek ng Poland.
Sa kanyang huling laro sa Hong Kong Open ay nagkaroon si Eala ng knee injury sa kanilang championship match ni American Claire Liu na nagresulta sa 3-6, 0-6 kabiguan niya.
Sa kanyang pagbabalik sa bansa ay hahataw si Eala sa isang exhibition match sa Disyembre 8 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Sasalang ang Pinay tennis sensation sa “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate” kung saan niya makakasama sina 2024 Paris Olympics double-gold gymnastics winner Caloy Yulo at boxing icon Manny Pacquiao.
Haharapin ni Eala si top Indonesian player at World No. 60 Janice Tjen.
Nagmula si Eala sa kampanya sa nakaraang Prudential Hong Kong Tennis Open at sa Toray Pan Pacific Open sa Tokyo, Japan.
Matapos ang kanyang maikling break sa Pinas ay muling bibiyahe si Eala patungong Auckland, New Zealand para pumalo sa 2027 ASB Classic sa Enero 4 hanggang 10.
Sumampa si Eala sa Auckland semifinals ng singles at doubles katambal ang best friend na si Iva Jovic ng USA.
- Latest

















