^

Probinsiya

29 aso at pusa itinapon sa Bulacan!

Doris Franche-Borja, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Crematorium sa Cavite kakasuhan

MANILA, Philippines —Matinding galit at lungkot ang naramdaman ng mga furparents nang madiskubreng basta na lamang itinapon at inili­bing ang kanilang mga alagang aso at pusa sa San Jose del Monte, Bulacan mula sa Isang pet crematorium sa Cavite.

Nabatid na nasa 26 na aso at tatlong pusa na may kanya-kanyang pangalan at nakaplastic ang itinapon ng umano ng Ahjay Paws Aftercare Pet Crematorium sa Bacoor, Cavite sa isang bakanteng lote sa SJDM.

Nanawagan ang mga concerned furparents sa Philippine National Police (PNP) Bacoor Component City Police Station, Pamahalaang Lungsod ng Bacoor at Bureau of Animal Industry (BAI)+Animal Health and Welfare Division na magsagawa nang agarang at masusing imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at mapanagot ang sinumang mapatutunayang may pananagutan.

Nais din ng mga furparent na mabigyang-linaw kung paano napunta sa Bulacan ang mga bangkay ng mga hayop, kung sino ang may pananagutan sa kanilang pangangalaga at kung nasunod ang mga wastong proseso sa ­paghawak at pagtatapon sa mga labi.

Anila, hindi natatapos sa oras ng kanilang pagpanaw ang kanilang pagmamalasakit. Marapat lang na tratuhin ng may respeto, dignidad, at malasakit ang mga alagang hayop.

Kinondena naman ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang umano’y panlilinlang ng crematorium sa mga pet owners na nagbayad para sa maayos na cremation ng labi ng kanilang mga alagang hayop.

Ayon sa PAWS, maituturing na grave be-trayal of trust sa mga pet owners ang ginawa ng crematorium na maa­ring maharap sa kasong estafa sa ilalim ng Article 315(2)(a) ng Revised Penal Code.

Samantala, ipinasara na ni Bacoor City Mayor Strike Revilla ang nasabing crematorium matapos na mabigong makapagpakita ang  may-ari nang sapat na dokumento at ebidensiya na nagpapatunay na maayos na isinagawa ang cremation ng mga ipinagkatiwalang alagang hayop.

Binigyan diin ni Revilla na isinagawa ang pagpapatupad ng closure order nitong Oktubre 31, 2026, matapos atasan ang City Legal Office, Business Permit and Licensing Department o BPLD, kapulisan at iba pang kinauukulang tanggapan na imbestigahan ang mga reklamo.

Samantala, kinumpirma ng animal rescue group na Luna and Furry Siblings Animal Rescue kahapon na natukoy na ang pagkakakilanlan ng lahat ng 29 hayop at nakuha na rin ang mga labi ng mga ito ng kani-kanilang may-ari.

CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with