^

PSN Opinyon

85 barangays, ‘di pa naikot ng PRO6! - Gen. Tuaño

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

MALAPIT na! Sa 3,389 barangays sa Western Visayas, 85 na barangays na lamang ang natitira upang makumpleto ng PRO6 ang coverage vs loose firearms. Ang ibig sabihin, 3,304 barangays o 97.49 percent na ang nabisita ng kapulisan. At dahil tuluy-tuloy pa ang barangay-by-barangay na pagsisikap ng mga tauhan ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño na bisitahin ang mga may hawak pang loose firearms. Kinikinita ni Tuaño na isang salya na lang at maabot na nila ang target na 100 percent.

Ayon kay Tuaño, 3,494 loose firearms ang boluntar­yong isinuko sa PNP na nagpapakita kung paano nagbubunga ng kongretong resulta ang isang inisyatibong nakatuon sa pakikipag-ugnayan sa komunidad, validation, at tuluy-tuloy na presensiya ng kapulisan.

Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Binigyan kredito ni Tuaño ang Project R.T.T. 3389 sa tagumpay ng kanyang mga tauhan sa pag-accounting ng mga loose firearms. Nakasentro kasi ito mga kosa sa isang preventive approach—ang pagtugon sa presensya ng loose firearms bago pa ito masangkot sa krimen, alitan, o iba pang insidente ng karahasan.

Sa 85 barangays na lamang na natitira, ang layuning minsang tila mahirap abutin subalit malapit na ngayong maging realidad. Ayon kay Tuaño, patuloy ang PRO6 sa barangay-level efforts hanggang sa maabot ang bawat komunidad sa Western Visayas, habang ipinagpapatuloy ang validation, monitoring, enforcement, at pakikipag-ugnayan sa komunidad laban sa paglaganap ng loose firearms. Purbidang yawaahhhhh!

Sadyang itinakda sa 3,389 ang bilang mula pa sa simula. Ito ang kumakatawan sa bawat barangay sa Western Visayas at ang commitment ng PRO6 ay dalhin ang pananagutan sa pagkakaroon ng mga baril hanggang sa antas ng komunidad, kung saan maaaring matukoy at matugunan ang mga panganib bago pa maging instrumento ng krimen, karahasan, o trahedya ang isang loose firearm. Nakumpleto na ng Aklan, Capiz, Guimaras, at Iloilo Police Provincial Offices ang pag-ikot sa lahat ng barangay sa kani-kanilang lugar, habang patuloy naman ang mga police unit sa natitirang mga lugar sa kanilang pagsisikap na makumpleto ang coverage. Wow na wow!

“Mula sa simula, hindi lang basta numero ang 3,389. Kumakatawan ito sa bawat komunidad na ipinangako nating maaabot. Malapit na tayo,” ani Tuaño. Abangan!

FIREARMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with