Trahedya, ginagawang salbabida ng pulitika?
MAKABULUHAN ang ginagawang imbestigasyon sa dahilan nang pagkalunod ni Ateneo Star Player Rene Baterbonia, pero kapansin-pansin naman na tila walang mainit na simpatiya iniukol ang karamihan sa teammate nitong si Divine Adili. Dahil ba dayuhan ito?.. Nakikiramay po kàmi sa mga naulila.
Bumaling na ng bahagya sa isyu ng pagkalunod nina Baterbonia at Adili ang init ng mga usapin ng “ka-maletahan” at magulong agawan ng liderato sa senado ang sensational na pagkamatay ng dalawa. Naging “good boy” na rin ng konti si Sen. Robin sa ginawa nitong pakikiramay sa pamilya ni Baterbonia. Naunahan pa ni Bad Boy ang mga kapwa niya senador na Atenista. He he!
Ipinatawag na rin ng PNP-CIDG ang ilan sa mga pari ng Ateneo at businessman Manny Pangilinan para tanungin at maisama ang mga magiging pahayag nila sa case building. Tumutulong at gumagastos si Manny Pangilinan sa pagpapalakas ng sports industry sa bansa mula sa sarili nitong bulsa. Baka naman hanapan n’yo pa ng SALN?
Bumuhos nang pakikiramay ang buong bayan ng Agusan del Sur sa pamilya ni Rene Baterbonia pero malamyang pakikiramay naman ang ipinadama natin sa pamilya ng isang dayuhang tulad ni Divine Adili. Dahil ba walang hatak na boto? Nagtatanong lang naman.
Kasunod na umagaw sa nakagigimbal na eksena ang pamamaril ng dalawang menor-de-edad na estudyante sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinamatay ng 3 estudyante at ikinasugat ng 20 iba pa. Agad na bumisita si VP Sara at nakiramay na natural lamang dahil “waray” namalan talaga si Digong. Naunahan naman ni Sara si DepEd Sec. Sonny Angara. Baka naman kulayan pa rin ‘yan. ‘Wag naman!
Nagkataon naman na pare-parehong estudyante ng Ateneo University at San Jose National High School ang mga nàging biktima ng trahedya. Dapat lamang na masubaybayan ng DepEd ang seguridad ng mga estudyante laban sa mga kademonyohan ng mga makabagong teknolohiya gamit ang internet. Inspired by the devil ang karamihan ng applications. Totoo ‘yan!
- Latest















