Ang Kapitbahay (32)
Pero bago tuluyang pumasok si Teresa sa bahay ni John, tinawagan niya si Vince.
“Vince narito na ako gate ng inuupahang bahay ni John. Tumawag ako para malaman mo.”
“Nakikita kita, Teresa pero huwag kang magpapahalata na ako ang iyong kausap.”
“Oo Vince. Gusto ko lang tiyakin kung narito pa nga sa bahay ang magaling kong asawa.”
“Oo nariyan pa siya. Baka nga natutulog pa. Tiyak na may hang-over dahil sa maraming nainom kagabi.”
“Baka nga. Tahimik na tahimik sa loob. Natatanaw ko na walang kumikilos.”
“Maaring nakahiga siya sa sopa. Dun ko siya inihiga kagabi”
“Okay ka ring kapitbahay, Vince.”
“Kawawa rin naman kung iiwan sa bakuran—baka kagatin ng langgam, ha-ha-ha”
“Sige Vince, papasok na ako.”
“Sige sana may bunga ang pag-uusap n’yo.”
Natanaw ni Vince ang pagpasok ni Teresa sa gate at sa bahay. Palagay niya, gising na si John at pinapasok ito.
Pero lumipas ang kalahating oras, hindi pa lumalabas si Teresa. (Itutuloy)
- Latest
















