^

True Confessions

Hiyasmin (235)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

“Hindi ko pinigilan si Hiyasmin na umalis­ sa bahay. Wala rin naman akong magawa para siya ipag­tanggol kaya hinayaan ko. Alam ko naman na kaya na niyang mag-isa. Alam kong matalino si Hiyasmin at maari siyang tumayong mag-isa.

“Kung hindi ko siya hahayaang umalis ay baka kung ano ang gawin sa kanya ng demonyo kong asawa. Gaya ng sabi ni Hiyasmin, nauulol na ang demonyo habang binobosohan siya. Hindi na raw niya hihintayin pang pasukin siya sa banyo o sa kanyang kuwarto ng demonyo.

“Bagamat umalis sa bahay si Hiyasmin, pa­tuloy din naman siyang nag­ti-text sa akin at sinasabi ang mga nangyayari. Nagtrabaho raw siya sa isang pabrika ng sitsirya na pag-aari ng Chinese. Pero maski ang may-aring Chinese ay may pagnanasa sa kanya. Ina­alok siya na maging asawa at itataas daw siya ng posisyon. Umalis daw siya sa trabaho.

“Muling nag-aplay sa iba. Pero ganundin, pinagnanasaan siya ng boss. Hanggang sa mawala nga raw ang ID niya. Nalaglag sa tapat ng bahay ni Dax. Dun na nagsimula ang pagkikilala nila ni Dax hanggang humingi siya ng tulong at hindi siya pinagkaitan. Pina­tira siya sa bahay at pinag-aral ni Dax.

“Yun pala, silang dalawa ang magkakaibigan.” (Itutuloy)

HIYASMIN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with