Hiyasmin (255)
“ALAM ba ni Rashid na nagpupunta ka rin sa park na iyon, Lira?” tanong ni Siony.
“Minsan nasabi ko sa kanya na doon ako sumasagap ng hangin kapag Biyernes na araw ng pahinga ko.”
Kaya siguro dun siya nagpupunta.”
“Saang bench mo siya nakita, Siony?”
“Dun nga sa dakong loob ng parke—malapit sa mga punongkahoy at mga kamatsile.”
“Dun ako laging nakaupo at sumasagap ng sariwang hangin.”
“Kabisado niya ang upuan.”
“Anong ginagawa?’’
“Nag-iisip nang malalim. Parang may kinakausap siya. Pagkatapos ay titingala sa langit.”
“Anong sinasabi, Siony?’’
“Siyempre hindi ko maririnig ang sinasabi. At isa pa, hindi ako puwedeng pagmasdan siya nang matagal at baka makahalata.”
“Pagkatapos ay ano na ang ginawa niya?”
“Pagkaraan ng sampu o kinse minutos siguro ay tatayo na at saka uuwi sa kanila.”
Nasabik si Lira sa iba pang sasabihin ni Siony.
“Ano pang naobserbahan mo Siony?”
“Masama na, Lira!”
Itutuloy
- Latest