^

True Confessions

Hiyasmin (22)

Ronnie Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGPATULOY si Hiyas­min sa pagsusumbong kay Dax ukol sa ginagawa ng stepfather nito. Tahimik lang si Dax. Nadarama niya ang problema ni Hiyasmin.

“Gaya kanina, maaga akong naligo—alas singko ng umaga—dahil maaga ang klase ko.”

Nang nagsa­sabon ako ng katawan, pa­kiramdam ko may mga matang naka tingin sa akin. Dali-dali akong nagbanlaw at nagbalot ng tu­­walya at lumabas ng banyo. Naabutan kong nakatayo ma­­lapit sa pinto ang manyakis. Sigurado ako na binobosohan niya ako! Gusto kong sigawan sa tindi ng galit pero nagpigil ako. Nakapagtimpi pa ako.

“Kaya kinakabahan ako Sir Dax na baka sa susu­nod ay hindi na pamboboso lamang ang gawin ng man­yakis kundi pasukin na ako sa banyo at gahasain.”

Ano ang ilalaban ko sa manyakis?

“Natatakot ako Sir Dax. Gusto ko nang umalis sa bahay para maiwasan ang ka­manyakan ng stepfather ko. Kung hindi ganun ang ga­gawin ko, magagahasa ako.’’

Napabuntunghininga si Dax.

“Sinabi mo ba yan sa mama mo? Alam ba niya ang nangyayari?’’

“Opo. Pero wala siyang magawa. Takot siyang kum­prontahin ang asawa.’’

“Wala ba siyang maga­gawa?’’

“Kilala ko ang mama ko, Sir Dax. Mahina siya! Hindi marunong lumaban!’’

Itutuloy

vuukle comment

HIYASMIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with